top of page
IMG20230205104608_edited.jpg

Get to Know Danlagan

cropital rice planting_0_edited.png

KASAYSAYAN

KAHULUGAN/ PALIWANAG SA MGA BAHAGI NG LOGO NG BRGY.

DANLAGAN, LOPEZ, QUEZON

 

  • Ang “BILOG” ay sumasagisag sa patuloy na pakikipagsapalaran ng mga
    mamamayan ng barangay. Ito rin ay sumasagisag sa buhay ng bawat mamamayan na kung minsan ay nasa ibabaw at kung minsan ay nasa ilalim.

 

  • Ang “ISDA” o “DALAG” at “SALAKAB” ay sumasagisag sa isa sa mga hanap-buhay ng mga ilang mamamayan dito.

 

  • Ang “PALAYAN / TUBIGAN” ang sumasagisag sa pangunahing hanap-buhay ng mga taga- barangay. Dahil malaking bahagi ng Barangay Danlagan ay may mga palayan.

 

  • Ang “BUNDOK” ay sumasagisag sa katatagan ng barangay na ito. Ito rin ay sumasasagisag sa bulubunduking bahagi ng barangay.

 

  • Ang “ULAP” ay sumisimbolo sa mataas na pangarap ng mga Opisyal ng Barangay tungo sa ibayong kaunlaran nito.

  • Ang kulay “ASUL” ay sumasagisag sa kapayapaang umiiral sa boung barangay.

 

  • Ang kulay “PUTI” ay sumisimbolo sa malinis at tapat na paglilingkod ng mga Opisyal ng Barangay.

 

  • Ang kulay “LUNTIAN/ BERDE” ay sumasagisag sa mayamang likas na yaman sa nasasakupan ng barangay.

 

  • Ang kulay “DILAW” ay sumisimbolo sa pagkakaisa ng mga Opisyal ng Barangay at ng mga mamamayan ng barangay tungo sa isang layunin – ang kaunlaran ng barangay.

Picture1_edited.png
IMG20230205104451_edited.jpg


A
L
A
M
A
T

Alamat na pinanggalingan na kung bakit ang nayong ito’y tinawag na Danlagan.

 

Una, Sa salitang Dalangan – Noong panahon ng Kastila ay mayroong naglalakad na Kawal Kastila dito sa nayong ito.  Nang makasalubong ng isang matanda, kinausap ng Kawal ang nasabing matanda ngunit ang Kawal ay mabilis magsalita, nakiusap ang tao na DALANGAN ang pagsasalita upang kanyang maintindihan ang sinasabi.  “On favor Sr. dalangan mo ang pagsasalita,” sa gayon ay tumango-tango na lamang ang sundalo at pangumod-ngumod na sinabi Dalangan at umalis na.

 

Ikalawa, Danligan – Na, sapagkat ang nayong ito ay maraming kahoy na Danlig.  Noong unang panahon na ang mga taga nayong ito aydito na nangunguha ng kahoy na ito ay maganda, matigas at malalaki na kung iyong itatanong kung saan galing kinuha, sasabihin sa iyong sa Danligan.

 

Ikatlo, Dalagan – Na, sapagkat ang nayong ito’y madalang (isdang tabang) na halos ang mga taga bayan ay dito namamalakaya o nanghuhuli ng maraming dalag.  Kaya’t kung kayo ay makakita ng mga taongmay dalang bayainan, itanong mo kung saan ang punta, ang isasagot sa iyo ay sa Dalagan upang manghuli ng isdang dalag sa nayong ito.

 

Ikaapat, Dalaga – Na, sapagkat maraming mga magagandang dalaga sa nayong ito noong unang panahon na animo’y mga bulaklak sa isang hardin kung kaya’t pinamagatang Danlagan ang nayong ito.  Dito na sasalig ang paniwala ngmga taong nayon.

 

Ang nayong ito ay may apat na pook o purok na may mga tubigan na siyang taniman ng palay na pangunahing pagkain ng mga taga rito.  Ang bawat bahay ay makikita ninyo ang naglalakihang Bokot, Galalan at baluyot na puno ng palay.  Sa kanyang mga libis at paligid ay makikita ninyo ang mga puno ng niyog na nakahanay na tuwid, tulad ng mga kawal ng ating pamahalaan.

Mission

​​“Maiparating sa mga mamamayan ang tapat na paglilingkod at tuparin ang ma sinumpaang tungkulin ng walang pag-aalinlangan at patuloy na makapag-bigay ng mga serbisyong naayon sa pangangailangan ng ating mamamayan upang maiangat ang antas ng pamumuhay, Edukasyon at magkaroon ng mamamayang nagtutulungan, at nagkakaisa tungo sa maunlad na pamayanan”

74332610_2384957431622240_6786155830711418880_n_edited_edited.jpg

VISION

“Isang Progresibong Pamayanan na may luntian at malinis na kapaligiran, may mga mamamayang huwaran sa mabuting asal, may sapat na edukasyon at may takot sa Diyos, may pamunuang tapat na naglilingkod sa Barangay at mamamayang nagkakaisa, may permanenteng pagkakakitaan, may mabilis na transportasyon at masaganang pamumuhay para sa patuloy na pag-unlad ng
Barangay”

bottom of page